Search This Blog

Thursday, May 5, 2011

Sinigang na Baboy

 


 Mga Sangkap:

   Sibuyas
   Kamatis
   Sili na berde
   Petchay
   Gabi na malagkit
   Karne ng baboy
   Asin
   Sampalok o Sinigang sa sampalok powder
   Magic Sarap o iba pang pampalasa na nais mong ilagay

Depende sa dami ng iyong lulutuin ang mga sangkap:
Hiwain ang sibuyas, kamatis at karne ng baboy .
Balatan ang gabi at hiwain ng maliliit .

Paraan ng Pagluluto:
   
1. Ilagay ang karne, sibuyas at gabi sa isang kaserola para sa pagpapalambot ng karne.
2. Lagyan din ng asin at magic sarap upang kumapit ang lasa sa karne ng baboy.
3. Pakuluin ang karne,sibuyas at gabi hanggang ang karne ay lumambot.
4. Kapag ang gabi ay malambot na ligisin ito o durugin ang gabi upang maging malapot ang sabaw ng iyong sinigang na baboy at siguraduhing malambot na ang karne bago ilagay ang kamatis upang magkaroon ng  kulay ng iyong sinigang at asim.
5. Pag naluto na ang kamatis at malambot na ang karne maaari mo nang ilagay ang petchay at sili na berbe .
6. Lutuin ang petchay nang hindi hilaw at hindi rin naman sobra sa luto kapag nakuto na lahat ng sangkap ialagay na ang sampalok bilang asim nang iyong niluluto.
7. Tikman ang iyong niluto upang matantya mo ang tamang lasa at maaari mo na itong ihanda sa inyong hapag kainan.

12 comments: